Lalim ng pagkakaibigan, pundasyon ng isang business ngayong pandemya

“All lasting business is built on friendship”.

Iyan ang katagang pinanghawakan ng magkakaibigang nagsimula ng sariling business para kumita kahit nasa pandemya.

Ito ay sina Mattew Ignacio at ang magkapatid na Chryso at Dale Morales na may-ari ng Slowburn Manila.


Sa programang Business As Usual, ibinahagi ng mga ito ang kanilang produkto na hindi lamang pang-isahan kundi pangbuong pamilya.

Aminado naman si Dale na nahirapan ng una pero hindi sila sumuko at dahil sa pagtutulungan nilang tatlo ay nalampasan din ito.

Ilan sa mga produkto ng Slowburn Manila ay full tray at half tray ng Seared Salmon, Smoke ribs, Saute’ foods at mga mix platters.

Para makapag-order, bisitahin lamang ang kanilang Facebook page at mag-iwan ng mensahe.

Facebook Comments