‘LAME DUCK’ | Pangulong Duterte, tinawag ang sarili na ‘lame duck’ president

24

Manila, Philippines – Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili bilang ‘lame duck president’.

Kasabay ng 117th Anniversary Celebration ng police service sa Camp Crame, ayon kay Duterte isa siyang lider na wala ng impluwensya dahil malapit nang bumaba sa pwesto.

Nangako rin ang Pangulo sa mga pulis na tutulungan ang mga nakakulong o mga nasuspindeng pulis dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Maglalaan din ang administrasyon ng dalawang bilyong piso para sa PNP capability enhancement plan.

Facebook Comments