Lanao Del Sur at Marawi City, isasailalim sa MECQ simula bukas

Isasailalim simula bukas, September 7 hanggang September 30 sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Lanao Del Sur at Marawi City dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Lanao Del Sur Governor Mamintal “Bombit” Adiong Jr., ang nasabing paglobo ng mga kaso ng sakit ay simula noong magbalik probinsiya ang mga Locally Stranded Individuals (LSI).

Ayon pa sa gobernador, inaprubahan ni National Action Plan Against COVID -19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ang desisyon na isailalim ang naturang dalawang probinsiya sa mas istriktong community quarantine.


Sa kabila nito, humihingi si Governor Adiong sa mga residente na sundin ang mga ipatutupad na mga health protocols laban sa COVID-19.

Facebook Comments