Landbank, itinalaga bilang settlement bank para sa mga online transactions ng Department of Trade and Industry – Construction Industry Authority of the Philippines

95

Itinalaga bilang settlement bank para sa mga online transactions ng Department of Trade and Industry – Construction Industry Authority of the Philippines (DTI-CIAP) ang Land Bank of the Philippines (Landbank).


Katuwang ng Landbank ang DTI-CIAP, Bureau of the Treasury (BTr) at ang PayMaya Philippines Inc. para masigurong ang episyenteng settlement sa mga online payments mula sa mga agency clients ng DTI maging ang remittance of payments sa National Treasury.

Sa ilalim ng kasunduan, kailangang mapanatili ng Landbank “BTr-CIAP-PayMaya Clearing Account” kung saan lahat ng koleksyon at payments ay padadaanin lamang sa PayMaya, bilang isang collecting agent at make-credit sa weAccess facility ng mga bangko.

Ang quadripartite Memorandum of Agreement (MOA) na ito ay nilagdaan nina DTI Sec. at CIAP Board Chairman Ramon Lopez, National Treasurer Rosalia de Leon, Landbank President at CEO Cecilia Borromeo, at PayMaya Philippines Founder at CEO Orlando Vea.

Present din sa event sina DTI Usec. Ireneo Vizmonte, DTI Asec. Mary Jean Pacheco, Landbank Branch Banking Sector Executive Vice President Julio Climaco Jr., Landbank South NCR Branches Group Senior Vice President Ramon Monteloyola, at Landbank Buendia Branch Vice President Virgilio Paranial.

Sa ngayon, as of June 2020, mayroon nang 2,682 transaksyon para sa CIAP ang Link.BizPortal ng Landbank na nagkakahalaga ng 15.32 million pesos.

Facebook Comments