LANDBANK, naglunsad ng P50 bilyong loan program para sa mga negosyong apektado ng krisis

92

Naglunsad ang Land Bank of the Philippines (LANDBANK) ng isang programa para tulungan ang mga negosyong apektado ng krisis, kalamidad at iba pa.

Magbibigay ang LANDBANK NATION SERVES o National Assistance Towards Initiating Opportunities to entities amidst Social and Economic Reverses which Visibly Entail Shockwaves to Businesses ng karagdagang kapital upang mapalakas ng mga negosyo ang kanilang operasyon.

Naglaan ang LANDBANK ng P50 bilyon loan program bilang suporta at tulong para sa mga kwalipikadong borrower.


Sa ilalim ng programa, maaaring magpautang ng hanggang 85% ng aktwal na pangangailangan na may interes batay sa naaangkop na rate ng Bloomberg Valuation Reference (BVAL) sa oras ng pag-avail ng loan.

Para sa mga interesadong umutang ay maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na LANDBANK Lending Center o Branch sa buong bansa o tumawag sa customer service hotline ng LANDBANK sa (02) 8-405-7000 o sa PLDT Domestic Toll Free 1-800-10-405-7000.

Facebook Comments