Landbank, nakapagproseso na ng higit 700-M pisong pautang para sa mga nais makakuha ng modern jeepney

121

Umaabot na sa P737.21 million ang nailabas na pondo ng Landbank bilang pautang sa mga nais kumuha ng modern jeepney.

Sa datos ng Landbank mula noong August 31, 2020, nasa 16 na borrowers nationwide ang naaprubahan ang loan para makabili ng 407 modern jeepney na babayaran nila ng pitong taon bilang bahagi ng programang Special Package for Environment-Friendly and Efficiently-Driven Public Utility Vehicles o SPEED-PUV.

Ang naturang programa ng Landbank ay bilang pagsuporta sa pamahalaan na magkaroon ng bago at ligtas na Public Utility Jeepneys (PUJs) sa mga lansangan.

Bukod sa mga jeepney drivers, bukas din ang loan program ng Landbank sa mga bus operators kung saan sinimulan na nila ang P3 billion programa para sa mga nais na kumuha ng modern Public Utility Buses (PUBs).

Sa mga interesado, maaring magtungo sa anumang branch ng Landbank o kaya sa Landbank Lending Centers at maari rin tumawag sa kanilang customer service hotline na 8-405-700 at toll free number 1-800-10-405-700.

Facebook Comments