LANDSLIDE | 4 minero, patay sa Alegria, Surigao Del Norte

34

Surigao Del Norte – Umabot na sa apat na bangkay ng mga minero ang narecover sa patuloy na search and rescue operation sa nangyaring landslide sa bulubundukin ng Barangay San Pedro bayan ng Alegria, Surigao del Norte.

Kinilala ni PO2 Arcelito Dumanhog ng Alegria Municipal Police Station ang mga nasawing small scale miner na sina Jerson Damalerio, 35 anyos, resident eng Barangay Gumod Placer, Surigao del Norte, 2.) Reynaldo Padayao, 55 anyos, resident eng Purok 6, Brgy. Doña Telesfora, Tubay, Agusan del Norte, 3.) Erwin Baldago, 33 anyos, binata, residente ng Mahayahay, Kitcharao, Agusan del Norte at Martin Delladora Mahinay, 63 anyos ng Camp Edward, Alegria, Surigao del Norte.

Sa inisyal na imbestigasyon, tulog ang mga biktima ng mangyari ang landslide sa lugar na ikinasawi ng mga ito ng mag-landfall noong Martes si Bagyong Basyang dito sa Caraga.

Sinasabing may mga iilan pa na hindi pa nakita kayat patuloy ngayon ang search and rescue operation sa lugar.

Facebook Comments