LANDSLIDE | Isa, kumpirmadong patay

45

San Mateo, Rizal – Isa ang patay sa naganap na landslide kaninang umaga sa Monterey Rd., Sta. Barbara, Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal.

Kinumpirma ito ni Dong Malonzo ng Rizal PDRRMO.

Kinilala ang biktima na si Alvin Trani Jr, 20 taong gulang, laborer ng contractor ng DPWH.

Ayon kay Malonzo, bumigay ng riprapping project ng DPWH dahilan para matabunan ng lupa ng biktima.

Kasalukuyan pang nire-retrieve ang katawan ng nasabing biktima.

Facebook Comments