Laptops, ibibigay sa Makati teachers

Makakatanggap ng laptops ang mga public school teacher sa lungsod ng Makati sa Oktubre kasabay ng paggunita sa World Teachers’ Day.

Ang mga guro na makakatanggap ng laptops para sa School Year 2020-2021 ay mula elementary, junior at senior high school.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, tinitiyak ng inisyatibong ito na magpapatuloy pa rin ang edukasyon sa lungsod sa kabila ng COVID-19 pandemic.


Dahil nagbago na aniya ang pamamaraan sa pagtuturo ngayong ‘new normal’ ay kailangang maka-adapt din ang mga guro sa pagbabago.

Bukod sa laptops, magbibigay din ng libreng internet access at load ang lokal na pamahalaan para sa mga teacher at kanilang mga estudyante na gagamitin sa kanilang online classes.

Facebook Comments