Larawan ng mga Abu Sayyaf members na nakasagupa ng militar, ipinakalat

115

Manila, Philippines – Patuloy na tinutugis ng Armed Forces of the Philippinesat ng Philippine National Police ang pitong hinihinalang miyembro ng Abu SayyafGroup (ASG) na sangkot sa bakbakan sa inabanga, bohol noong nakaraang linggo.
 
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, ipinakalat na nilaang mga larawan ng mga suspek na sina Joselito “Alih” Milloria, alyas Richard,alyas Asis, alyas Ubayda, alyas Poy, alays Dah, alyas Saad, at alyas Amra.
 
Si Milloria ay tubong barangay napo na siyang nagsilbing guide ng ASGna pumasok sa lugar noong April 10.
 
Nilisan nito ang napo ilang taon na ang nakalipas nang ikasal siyasa umano’y anak na babae ng pinuno ng ASG sa Mindanao.
 
 
Pinayuhan naman ng AFP ang publiko na iwasan muna ang mgaespekulasyon sa pagkamatay nina ito Constancio Petalco at Crisenta Petalco sa Sagupaan.
 
 
Paalala naman ni Arevalo na manatiling alerto at agad na ipaalamsa mga otoridad ang kapag namataan ang mga suspek, at iba pang kahina-hinalangmga lalaki.
   

Facebook Comments