Larawan ng mga suspek sa pambobomba sa Cotabato City, inilabas na!

1418

Inilabas na ng Task Group South Seas ang larawan ng mga suspek na naglagay ng bomba sa South Seas Mall sa Cotabato City.

Ito ay base na rin sa nakuha na video ng CCTV sa loob at labas ng mall.

Sa nasabing pagsabog, dalawa ang namatay at 37 ang sugatan.

Isang bomba pa ang na-disrupt ng Explosive Ordnance Division (EOD) team sa baggage counter sa second floor ng mall.

Una nang sinabi ni 6th ID Chief Major General Cirilito Sobejana na posibleng ganti ito ng mga terorista sa apat nilang kasamahan na napatay sa high level operation ng militar sa Maguindanao.

Naglaan rin ng P500,000 na reward money ang LGU-Cotabato City sa mga makapagtuturo sa mga suspek.

Sa ngayon ay pinaigting pa Special Investigation Task Group South Seas ang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog sa Cotabato City.

Facebook Comments