“Largest Cha-Cha Dance” sa Guiness Book of World Records, nasungkit ng Kidapawan City

298

Kidapawan City – Bumida muli ang Pinoy sa Guinness Book of World Record matapos na masungkit ng Kidapawan City ang titulong “Largest Crowd for Cha-Cha Dance”.

Ito ay matapos kumpirmahin ng pamunuan ng Guinness sa pamamagitan ng isang email at pag-post sa kanilang website na nakuha ng Kidapawan ang record para sa Largest Cha-Cha Dance.


Matatandaang Agosto ng nakaraang taon pa nang tangkain ng Kidapaweños na sungkitin ang naturang record kung saan ay nasa 14, 275 ang mga lumahok.

Tatlong professional dancers naman ang ipinadala noon ng Guinness sa lugar para saksihan ang kanilang pagsasayaw.
DZXL558

Facebook Comments