Laro ng TNT Tropang Giga at Northport Batang Pier sa PBA Philippine Cup, kinansela!

63

Kinansela ni PBA Commissioner Willie Marcial ang laro sa pagitan ng TNT Tropang Giga at Northport Batang Pier na naka-schedule sana kaninang alas-6:45 ng gabi.

Ito’y bilang bahagi ng precautionary measures dahil nagkaroon ng contact ang team ng TNT sa player ng Blackwater Elite kung saan kasalukuyang naka-quarantine ang mga players at coaching staff ng Tropang Giga.


Dahil dito, sinabi ni Marcial na lahat ng koponan sa PBA ay sasailalim muli sa pagsusuri para makasiguradong ligtas sila sa virus habang ire-reschedule na lang ng PBA Board ang mga nakanselang laro.

Facebook Comments