Las Piñas City, nagsasagawa na ng screening sa mga nais magpabakuna laban sa COVID-19

25
Photo Courtesy: City of Las Piñas Facebook Page

Sinimulan na ng Las Pinas City Government ang screening sa mga nagnanais na magpabakuna sa mga itinakdang iba’t ibang COVID-19 Vaccination Screening Site sa lungsod.

Para ito sa nalalapit na malawakang libreng pagbabakuna na isasagawa ng lokal na pamahalaan laban sa COVID -19 na inaasahang sisimulan sa pagdating ng mga bakuna ngayong Pebrero.


Kaugnay nito ay hinihikayat ang mga nais magpabakuna na magpalista sa COVID-19 Vaccination Screening Site sa kanilang barangay.

Pwede ring magparehistro online gamit ang link na naka-post sa Facebook page ng Las Piñas City Government.

Facebook Comments