Las Piñas LGU, bumuo ng “core team” para sa maaayos na pagpapatupad ng kanilang vaccination program

37

Pinulong ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga department heads, City Health Office at mga Punong Barangay upang pag-usapan ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng vaccination program para sa kanilang lungsod.

Nais ng alkalde na malaman ang update sa registration at mga itatalagang vaccination sites kung saan inaabangan na lamang nila ang pagdating ng bakuna.


Bumuo na rin ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas City Core Team para sa District 1 at District 2 para sa pagsasagawa ng maayos at wastong koordinasyon hinggil sa vaccination program.

Hangad ng Las Piñas LGU na magpabakuna ang lahat upang mapigilan ang posibleng pagkahawa o pagkalat ng COVID-19.

Sa pinakahuling datos ng City Health Office, nasa 62 ang aktibong kaso sa lungsod, 5,819 ang confirmed cases, 215 ang namatay at 5,542 ang nakarekober sa virus.

Facebook Comments