Lasing na gumagala habang may hawak na improvised shotgun, patay matapos barilin sa Malabon City

60

Malabon City – Patay ang isang lalaking lasing matapos pagbabarilin ng isa pang lalaki sa Roque St., Barangay Tonsuya, Malabon.

Kinilala ang biktima na si Miomar Andrade alyas Mutlong Derder.

Kwento ng testigo na si Tobias Arquio, ilang minuto bago ang insidente, tinutukan siya ng improvised shotgun ng biktima at binantaang papatayin kung hindi magpapaareglo.

Dahil nasa impluwensiya ng alak, minabuti ni Arquio na layuan na lamang ang biktima.

Maya maya pa, nakarinig ito ng malakas na putok mula kay Andrade at isa pang malakas na putok mula sa hindi pa makilalang lalaki.

Narekober sa crime scene ang improvised shotgun, isang basyo ng bala ng shotgun at isang basyo ng bala ng kalibre .45.

Facebook Comments