LASING NA LUMABAG SA SOCIAL DISTANCING AT NAKIPAGHABULAN SA MGA PULIS, BUMANGGA SA ISANG JEEP

46

Kalibo, Aklan- Nagtamo ng sugat sa kanyang katawan ang isang lasing matapos makabangga ng isang jeep habang nakikipaghabulan sa mga pulis alas 4:15 ngayong hapon sa Roxas Ave. Poblacion Kalibo, Aklan.
Sa report ng Kalibo PNP, habang nagpapatrolya ang mga ito ay sinita at pinara nila ang isang motorsiklo na may isang angkas malapit sa Kalibo bridge.
Ngunit sa halip na huminto ay humarurot pa ito papalayo sa mga otoridad.
Nakilala ang suspek na si Jomarie Recampo 33 anyos at residente ng Abagao, Roxas City, Capiz.
Nagtamo ng sugat sa tuhod at daliri ang driver ng motorsiklo habang ligtas naman ang kanyang angkas na babae.
Dahil sa mabilis ang pagpatakbo nakabangga-an ng motorsiklo ang isang Jeep na biyahing Makato-Kalibo vice versa na minamaneho ni Randy Tesoro na residente ng Dumga, Makato kung saan liliko sana papuntang Oyo Torong Ubos.
Nasira rin ang motorsiklo at jeepney ngunit nagkasundo naman ang dalawa sa pagpapa-ayos ng mga ito.
Dahil sa linabag, binigyan ng citation ticket para pagmultahin ang lalaki dahil sa kanyang multiple violation.

Facebook Comments