LAST-MINUTE | Late filers ng income tax returns, dagsa na sa BIR

33

Manila, Philippines – Dagsa na ang mga tax-payers sa 4th floor sa Fishermall sa QC para mag file ng kanilang obligasyon sa buwis para sa taong 2017.

Bukas ang BIR QC district office hanggang 5 p.m. para i-accommodate ang mga last-minute filers o yaong mga hindi nag qualify sa tinatawag na substitute filing ng kanilang income tax returns.

Ayon kay BIR QC Revenue District Officer Ma. Victoria Reinante, nasa 26 billion pesos ang inaasahan na kanilang malikom para sa Quezon City revenue district.

Aniya, gumaan at bumilis ang proseso nila dahil sa digital filing at payment sa mga accredited banks.

Facebook Comments