Last vlog ng yumaong si Lloyd Cafe Cadena, nangunguna ngayon sa Youtube! 

45

Nangunguna ngayon sa Youtube ang pinakahuling vlog ng yumaong vlogger at dating iFM DJ na si Lloyd Cafe Cadena.

Ngayong araw, September 23, 2020 ay ipagdiriwang sana ni Lloyd ang kaniyang ika-27 kaarawan. 

Sa “last vlog” na ini-upload, nasaksihan ang unboxing ni Lloyd na naglalaman ng mga kagamitan para sa kanilang bahay at pamilya. 

Sa ngayon ay umabot sa 4.5 milyong views ang last vlog na inilabas noong September 19 na kinuhanan noon pang August 27, 2020. 

Nagpasalamat naman ang pamilya ng yumaong vlogger sa suporta ng mga Cadenators. 

Si Lloyd ay pumanaw noong September 4, 2020 at napag-alamang positibo sa COVID-19. 

Facebook Comments