Launching ng Hydrogen hybrid car Sa LTO, siniyasat mismo NG DOTr

98

Mismong si DOTr Asec Alberto Suansing ang umaksi sa pagpapakilala ngayong araw sa Hydrogen hybrid vehicle sa tanggapan ng Land Transportation Office


Ipinakita kanina sa isang demonstrasyon sa Motor Vehivle Inspection Section ng LTO ang hydro fuel generators na imbensyon ng KCH Corporation.

Ikinokonek lamang ang machine sa fuel line na siyang nagsa-cycle ng Hydrogen solution na nagsasanhi ng matipid na gamit ng diesel

Ang hydrogen hybrid technology ay 100 percent safe at walang alteration o modification na gagawin sa makina ng sasakyan

Ayon kay Norberto Tarlet Malicdem na bumili at gumagamit na ng hudeogen hybrid vehicle, malaki ang naging katipiran sa diesel nang ginamit niya ang imbensyon

Sa biyaheng Baclaran- Sucat vice versa, kung dati ay gumagastos siya ng 1500 sa diesel sa limang biyahe, ngayon ay 900 pesos na lamang ang gastos niya.

Mas lumakas ang hatak ng makina ng jeepney niya at nawala ang usok.




Maliban dito, namimintina ang lamig ng karburador ng kaniyang sasakyan.

Facebook Comments