Lea Salonga, binatikos dahil sa hindi pagsuporta sa Pinoy boy group na SB19

75

Inulan ng batikos ang tweet ni Broadway Diva Lea Salonga matapos na magpakita ng suporta sa K-pop group na BTS sa Billboard Music Awards 2021.

Ayon kasi sa netizens, mas nangibabaw ang pagiging fan ni Lea sa K-pop group sa halip na suportahan ang SB19 na natatanging Pinoy boy group na nominado sa nasabing music awards.


Matatandaang ilang mga top social artist ang kalaban ng sb19 kabilang na si ariana grande at ilan pang K-pop group na Blackpink, BTS at Seventeen.

Samantala, iaanunsiyo naman ang mga mananalo sa darating na May 23 sa na gaganapin sa Microsoft Theater sa Los Angeles.

Facebook Comments