Lead: Mga senior citizen sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig dumagsa sa Barangay Covered Court sa kabila na bawal silang lumabas

56

Excused muna ang ilang mga senior citizen ng Barangay Pinagbuhatan sa Pasig na bawal silang lumabas ng kanilang bahay dahil sa banta ng COVID-19.

Dahil ngayong araw, ipapamahagi ang kanilang cash assistance mula sa pamahalaang lungsod ng Pasig na hindi nakasama sa unang bugso nito dahil wala silang cash card o ATM card.


Paliwanag ni Noli Bacsal ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ng Pasig, na agad naman nilang pinapauwi ang mga senior citizen matapos makuha ang pera.

Samantala, ikinatuwa naman ito ng mga senior citizen dahil kahit papano na sama na sila sa cash assistance ng Pasig kung saan bahagi ito ng pamaskong handog ng lungsod.

Ayon sa kanila akala nila hindi na sila mabibigyan dahil lumipas na ang Pasko at Bagong Taon hindi pa rin sila nakakatanggap ng nasabing cash grant at wala rin sila mga ATM card na para contactless distribution.

Facebook Comments