Lease with option to buy program, inilunsad ng GSIS

82

Inilunsad na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang housing units for lease para sa mga miyembro nito kung saan maaari nang bumili ng bahay ang mga nagrerenta sa housing units.

Sa ilalim ng programang Lease With Option to Buy (LWOB), may option na rin ang mga kasalukuyang naninirahan sa residential properties ng ahensya na magkaroon ng lehitimong pagmamay-ari.


Ayon kay GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet, layon ng programa na magkaroon ng tirahan ang mga miyembrong umuupa lalo na sa gitna ng pandemya.

Upang makapag-avail, kailangan lamang magpasa ng properly accomplished application form at dalawang valid government-issued identification (ID) cards.

Facebook Comments