Leave of Absence ni Secretary Eduardo Año sa DILG, pinalawig

Mananatili bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Undersecretary Bernardo Florece.

Ito’y ayon kay DILG Spokesman Undersecretary Jonathan Malaya, makaraang kumpirmahin nito na extended ang leave of absence ni Interior Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Malaya, pinalawig pa ang leave ni Secretary Año hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan o February 28 batay na rin sa payo ng kanyang mga doktor.


Paliwanag ni Malaya na layon umano nito na mabigyan ng sapat na panahon ang kalihim na makapagpahinga ng mas matagal para makabawi ng lakas at isaalang alang kaniyang kalusugan

Matatandaan na dalawang beses dinapuan ng COVID-19 ang kalihim bagama’t siya ay asymptomatic.

Facebook Comments