Lebron James – di natitinag sa power team ng Warriors

Manila, Philippines – Dinedma ng basketball superstar na si Lebron James ang komento ng ilang mga analysts at maging ng pustahan sa Las Vegas na magkakampeon sa pagkakataong ito ang Golden State Warriors.

Ayon kay Lebron – hindi na niya ito pinapansin dahil malakas ang kanyang pakiramdam na malaki ang kanilang tiyansa na muling maibibigay niya Cavs ang kampeonato.

Aminado si James na malakas talaga ang Warriors lalo na ngayong taon na tinawag pa niyang high powered team.


Pero giit ni Lebron, hindi lang naman ang Warriors ang nagpalakas na koponan kundi maging ang Cavs.

Sa Biyernes pa gagawin ang game 1 ng ikatlong sunod-sunod na taon na salpukan ng Cleveland Cavaliers at Warriors sa NBA finals.
DZXL558

Facebook Comments