Lebron James – malabo pa ring makapaglaro sa NBA opening game dahil sa injury

39

NBA – Nanganganib na hindi makalaro sa opening game ng NBA ang Cleveland Cavaliers star na si Lebron James.

Ito ay dahil sa pananakit pa rin ng kaliwang bukong-bukong na natamo niya sa training.

Ayon kay Cavs coach Tyronn Lue, hindi pa nila matiyak kung magiging handa na si Lebron bago sumapit ang laban.

Unang makakaharap ng Cavs sa opening game sa October 18 ang Boston Celtics na koponan ngayon ng dati nilang teammate na si Kyrie Irving.

Facebook Comments