Led eyelashes – patok sa California, USA

112

Amerika – Patok na patok ngayon ang isang kakaibang tech-inspired beauty product na inilabas ng swedish designer na si Tien Pham.

Ang produkto ay isang uri ng interactive led eyelashes na tinawag niyang “F. lashes”.


Gaya ng karaniwang eyelashes extension, idinidikit din ito gamit ang glue pero mas agaw-pasin dahil sa sparkle effect nito.

Battery-operated ang nasabing eyelashes na may iba’t ibang kulay gaya ng blue, pink, green, red, white at yellow.

Mayroon pa itong iba’t ibang lighting mode gaya ng “follow” kung saan susunod ang galaw ng ilaw sa galaw ng ulo; “dance move” kung saan nagbi-blink ang ilaw at “sparkle”.

Unang ibinida ni Pham ang kanyang F.lashes sa katatapos lang na Maker Faire sa Bay Area, USA kung saan nanalo ito ng editor’s choice award!
DZXL558



Facebook Comments