Left-out Families na tumanggap ng Cash Assistance sa Region 2, Mahigit 13,000 na

209

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 13,959 leftout families beneficiaries ang tumanggap ng cash assistance mula sa ‘direct payout’sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahaalan simula July17-30.


Ayon kay Regional Information Officer Jeanet Lozano ng Pantawid Pamilya Program, nasa 46,193 ang inaasahang tatanggap pa ng ayuda mula sa ahensya habang may natitira ang 10, 497 na kinakailangan naman na sumailalim sa re-validation ng mga LGUs.

Maliban dito, tatanggap ang nasa 14,821 families mula sa Probinsya ng Cagayan at Quirino sa pamamagitan ng ‘digital payout’ habang ipinoproseso naman ang para sa iba pang lalawigan.

Una nang kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na 57,140 ang mga leftout beneficiaries ang kanilang natanggap batay sa isinumite na listahan ng mga LGUs sa buong rehiyon.

Facebook Comments