LEGAL NA PROSESO SA CONVERSION NG MGA IBINEBENTANG SUBDIVIDED LOTS SA ASINGAN, IGINIIT

Iginiit ang tamang proseso sa coversion ng mga ibinebentang subdivided lots sa Asingan matapos ang reklamo sa hindi na makontrol na pagpasok ng ilang buyer sa mga agricultural lands sa bayan upang gawing subdivision.

Tinalakay sa ginanap na regular session ng Sangguniang Bayan ang naturang usapin katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno upang magkaroon ng nagkakaisang hakbang sakaling magpatuloy ang reklamo.

Ayon sa Sanggunian, kinakailangan tumalima sa itinakda ng Local Government Code na pagpapatupad ng resolusyon na nagsasaad ng endorsement upang ma-reclassify ang purpose ng lupain sa agricultural, residential, commercial at industrial bago magpatayo ng anumang istruktura.

Binigyang-diin ng tanggapan ang striktong pagpapatupad ng batas upang maprotektahan ang lupain sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments