Leisure travel ng mga taga-NCR papuntang GCQ, MGCQ areas, papayagan – DOT

49

Pinayagan na ng Department of Tourism (DOT) ang mga residente ng National Capital Region (NCR) na makapag-leisure travel sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, may ilang tourist destinations ang nagpapatupad ng kanilang sariling restrictions gaya ng Baguio City na pinapayagan lamang na makapasok ang mga fully vaccinated na indibidwal.


Habang bukas na rin sa turista ang Siargao, Boracay at La Union pero may sinusunod na age restrictions.

Paalala naman ni Puyat na mas mainam pa rin na tiyakin muna sa destinasyon na Local Government Unit (LGU) kung tumatanggap ang mga ito ng turista.

Facebook Comments