LEVEL II GENERAL HOSPITAL, PLANONG ITAYO SA BUGALLON

Inilahad ng lokal na pamahalaan ng Bugallon ang panukalang pagtatayo ng Level II na General Hospital sa bayan, na tatawagin bilang Bugallon Medical Center, upang isulong ang mas mahusay na healthcare system sa bayan.

Ang naturang pasilidad ay target itayo sa Brgy. Poblacion at magkakaroon ng 100 bed capacity upang ilapit sa itinakdang pamantayan ng Department of Health ang bed-to-population ratio na nasa ‘1.5 is to 1,000’.

Bukod sa layuning pagpapabuti ng access sa serbisyong medikal, nais din pababain ang bed occupancy rate sa mga government hospitals ng nasa 60.85 porsyento na optimum level.

Tinalakay din ang posibilidad ng co-management ng ospital ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng isang ipinanukalang batas o sa pamamagitan ng kasunduan sa pagitan ng tanggapan at ng Department of Health.

Inaasahan na magiging sentro ng pinalawak na serbisyong medikal ang panukalang pasilidad maging sa ikalawang distrito ng lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments