LGBT inmates sa Davao City, ililipat ng pasilidad matapos napag-alamang may nakikipagrelasyon sa kanila; 12 inmates, isinailalim sa special care dahil sa HIV

Inilipat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Davao ang lesbian, gay, bisexual, and transgenders (LGBTs) na Person Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Davao City Jail sa City Jail Annex.

Sa panayam ng RMN Davao kay BJMP Davao Community Relations Section Chief Senior Inspector Ellen Rose Saragena,  sinabi nitong may mga lalaking PDL na nakikipagrelasyon sa LGBT inmates.

Dagdag ni Saragena na ito ang rason kung bakit inilipat ang mga indibidwal sa annex para maiwasan na maabuso ang LGBT at maiwasan ang pagkalat ng human immunodeficiency virus (HIV).


Napag-alamang may 12 inmates na isinailalim sa special care dahil sa HIV kung saan ngayon nailipat na ito sa annex para sa medikasyon.

Facebook Comments