LGBTQIA+ COMMUNITY SA BAYAMBANG, NANGUNA SA ISINAGAWANG CLEAN UP DRIVE

Sa halip na bahagharing watawat ang iwagayway ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa Bayambang, mga walis tingting, pandakot, sako, at iba pang gamit panglinis ang masigasig nilang ipinarada sa kakalsadahan upang pangunahan ang clean-up drive ngayong buwan.
Sinuyod nila ang mga pampublikong lugar upang linisin ang paligid bilang pakikiisa sa adbokasiya ng Bali-Bali’n Bayambang project.
Layunin ng nasabing aktibidad na magpakita ng magandang halimbawa sa mga mamamayan, makatulong at maasahan sa anumang paraan upang maiangat ang bayan.
Bahagi ito ng kanilang pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay, respeto, at pagkakaisa ng bawat isa sa komunidad anuman ang kasarian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments