LGU at PNP Nagulian, Pinuri ni Isabela Gov. Rodito Albano III

1137

Cauayan City, Isabela- Pinuri ni Gov. Rodito Albano III ang Isabela Police Provincial Office maging ang himpilan ng Naguilian Police Station at Lokal na Pamahalaan sa pagkakadiskubre ng warehouse na pagawaan ng pekeng sigarilyo sa Brgy. Palattao, Naguilian, Isabela.

Ayon kay Albano, malaking puntos ito sa probinsya dahil tiyak na hindi mananatili ang iligal na gawain sa lalawigan.


Sa kabila nito, patuloy aniya ang koordinasyon nito sa alkalde ng bayan sa gagawing hakbang sa pansamantalang pananatili ng mga trabahador na tinatayang nasa mahigit 150.

Ikinalungkot naman ng opisyal ang umano’y paggamit sa nasabing bilang ng mga trabahador dahil sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo.

Hinala naman ni Albano na posibleng ibinebenta sa labas ng rehiyon ang bilyong halaga ng pekeng sigarilyo at aalamin din aniya kung may sindikatong sangkot sa nasabing smuggling.

Facebook Comments