LGU BAYAMBANG, NAGBIGAY NG ABISO SA PUBLIKO SA BAGONG MODUS NG MGA SCAMMER NGAYON

Naglabas ng babala sa kanilang official facebook page ang local government unit ng Bayambang kung saan nakasaad ang abiso nila sa publiko ukol sa bagong modus ng mga scammer ngayon para makapam-biktima online.
Modus daw umano ng mga scammers ngayon ang pagha-hack ng mga account sa mga facebook friend kung saan humihingi ang mga ito ng pera o cash sa pamamagitan ng GCash.
Paalala nila sa publiko na bago magsend ng cash sa naturang app ay siguraduhin umano ang numero ay nakapangalan talaga sa taong pagse-sendan nito.

Mas mabuti kung isangguni o tumawag muna at makipag-ugnayan na lamang nang personal sa mismong kaibigan sa mga ganitong klaseng transaksyon kesa mag hinala pa sa mga mensahe online at mabiktima pa ng ganitong klaseng modus. |ifmnews
Facebook Comments