LGU Datu Abdullah Sangki , 100% suportado ang Bangsamoro Organic Law

19

Libo libo katao ang nakiisa sa isinagawang Multi Sectoral Forun on Bangsamoro Organic Law sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

Kabilang sa mga lumahok at nagpainitindi sa nilalaman ng BOL ang mga opisyales mula OPAPP, BTC, MILF , AFP , at PNP .

Isinagawa ang aktibidad sa GYM ng DAS kasabay ng unang araw ng arangkada ng kampanya para sa pagratipika ng BOL para na rin sa nalalapit ng plebisito sa susunod na buwan .

Kaugnay nito, nagpaabot ng kanilang isang daang porsyentong pagsuporta sa BOL si DAS Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu kasama ang mga opisyales at mga mamayan ng bayan.

“Ang BOL ay sagot para makamit na ang matagal ng inaasam na pangmatagalang Kapayapan at Kaunlaran lalo na sa lalawigan ng Maguindanao” ayon pa kay Mayor Bai Mariam sa panayam ng DXMY.

Malaki rin ang paniniwala ng alkalde na ang BOL ay ang tulay para magkaroon ng Gobyernong May Malasakit sa Maguindanao.

Facebook Comments