LGU Employee, Namaril ng kanyang Kainuman sa City of Ilagan

277

Cauayan City, Isabela- Nagpapagaling ngayon ang sugatang biktima makaraang barilin ito ng isang empleyado ng LGU pasado 7:45 kagabi sa Brgy. Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Ramon Kristoffer Argonza, 35-anyos habang ang suspek ay nakilalang si Mark Francisco Pagurayan, 36-anyos na kapwa residente sa nasabing barangay.


Bago ito, magkasamang nag-iinuman sa bahay ng suspek ang dalawa ng humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril ang suspek at agad na binaril ang biktima.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagtamo ng tama ng bala sa likurang katawan at kanang balikat ang biktima dahil sa insidente.

Kaagad namang tumakas ang suspek subalit nahuli rin ito ng isagawa ang hot pursuit operation sa Brgy. Bliss.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso na nasa pangangalaga ngayon ng mga otoridad.




Facebook Comments