LGU MANGALDAN, NAGPAALALA UPANG MAKAIWAS SA CYBERCRIME

Nanawagan ang Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa pagiging responsableng social media user upang makaiwas sa cybercrime.

Ayon sa tanggapan, mainam na gumamit ng matatag na password at huwag ibahagi ang personal at pinansyal na impormasyon tulad ng one-time-password kanino man. Huwag rin umanong mag-click ng mga kahina-hinalang link at i-report agad ang kahina-hinalang online activity tulad ng scams o phishing.

Hinimok ng alkalde ang mga residente na makiisa sa pagtataguyod ng ligtas at maayos na digital na komunidad.

Bukas ang tanggapan maging ang pinakamalapit na tanggapan ng pulisya para sa anumang ulat o reklamo ng cybercrime upang agad masaklolohan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments