Patuloy na isinusulong sa Mangaldan malawakang bakunahan sa mga barangay upang makamit ang pagiging anti-rabies free ng mga komunidad.
Sa ilalim ng anti-rabies vaccination drives, daan-daang pet owners ang natutulungan umano na maprotektahan ang kanilang alaga sa viral disease na rabies at hindi makapang biktima sa ilang residente.
Sa pinakahuling bakunahan ng Municipal Agriculture Office sa Brgy. Malasin, umabot ng 435 alagang aso at pusa ang nabakunahan habang 223 pet owners naman ang nabahagian ng libreng serbisyo.
Malaking tulong umano ang bakunahan bukod pa sa pagpapatupad ng ibang ordinansa upang gawing ligtas ang komunidad sa bantang dala ng rabies.
Magpapatuloy pa umano ang isinasagawang anti rabies vaccination sa iba pang bahagi sa naturang bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣