LGU na katuwang ng DZXL Radyo Trabaho, nadagdagan!

35

 

FEBRUARY 20, 2019 | Bumisita ang DZXL Radyo Trabaho team sa tanggapan ng Public Employment and Services Office (PESO) ng Makati City kung saan mainit silang tinanggap ni City Personnel Officer at PESO manager Vissia Marie Aldon.

 

Dito ay inilatag ng team ang iba’t-ibang programa sa ilalim ng DZXL Radyo Trabaho kabilang ang pagbibigay ng trabaho sa segment na Job Openings.

 

Bukas naman si manager Aldon na makipagtulungan sa layunin ng DZXL Radyo Trabaho na makapagbigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

 

Sa mga gusto ring magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

 

Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resumē o biodata sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming RT Hotline – 882 2370 o magpadala ng mesahe sa RT Textline 0967-372-9017…

 

Sa DZXL Radyo Trabaho, trabaho lang walang personalan!

Facebook Comments