LGU ng Muntinlupa, inusad ang payment period sa tax dahil sa COVID-19

244

Aprubado na ng Muntinlupa City Council ang dalawang ordinansa na nagbibigay ng two-month payment extension para sa Real Property Tax (RPT) at business taxes, dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Batay sa City Ordinance 2020-078, ang Real Property Tax payments at iba pang bayarin sa City Government ng Muntinlupa na nakatakdang bayaran sa March 31, 2020 para sa 1st Quarter ay inusad sa  May 31, 2020.


Nakapaloob naman sa City Ordinance 2020-073, na ang deadline para sa pagbayad ng business taxes at fees payable sa Lungsod ng Muntinlupa para sa 2nd Quarter ay inusad naman mula sa April 20, 2020 sa July 20, 2020.

Iniutos din na huwag patawan ng penalties, surcharge, at interest.

Hinikayat naman ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi sa mga mayari ng paupahaan ng mga commercial establishments at residential units na hindi muna maningil na bayad sa renta.

Facebook Comments