LGU Rajah Buayan nakiisa sa Balik Baril Program ng 6th ID

35

Dalawampot limang matataas na kalibre ng baril ang isinuko kasabay ng balik baril program na inisyatiba ng 6h id sa bayan ng Rajah Buayan sa Maguindanao.
Sinasabing nagmumula sa mga residente ng ibat ibang baranggay ng bayan ang mga sinukong baril ayon pakay 6th ID DPAO Chief Cpt. Arvin Jhon Encinas.

Kinabibilangan ito ng isang Ultimax 5.56mm, , M16 rifle, 2 M14 rifles, 3 Garand rifles, 2 Carbines, 7 home-made Barrets, 4 home-made M79 rifles, one AR15 Colt, 2 home-made shotguns, isang 60mm mortar,at caliber 30 MG.
Nanguna sa aktibidad si Rajah Buayan Mayor Zamzamin Ampatuan kasama sina 40IB Commanding Officer Lt. Colonel Edgar L. Catu habang dumalo rin sa programa si Brigadier General Diosdado C. Carreon, ng 601st Infantry Brigade .
Nangako ang LGU na magkakaloob ng livelihood program para sa mga nakiisang residente.
Pinasalamatan naman ni 6th ID Commander MGen Arnel Dela Vega ang mga LGUs sa ilalim ng kanilang nasasakopan na patuloy na sumusuporta sa kanilang kampanya.Target ng 6th ID na magkaroon ng Gunless Community .
6th ID Pics



Facebook Comments