LGU sa lalawigan ng Cebu, tinututukan na rin ang pagpasok ng bagyo sa bansa

1113

Pinaalahanan ngayon ng PAG-ASA Mactan ang publiko na maghanda sa maaaring maging epekto ng bagyong Kamurri o Tisoy kapag nakapasok na sa Pilipinas ngayong gabi.

Ayon sa weather specialist ng PAG-ASA Mactan na si Jomer Eclarino, walang direktang epekto ang bagyo sa Cebu ngunit dahil sa lawak ng radius nito, maaaring maramdaman ang hangin at makakaranas ng pag-ulan ang Northern Cebu.

Samantala, sisimulan na rin ngayong araw ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction And Management Office ang kanilang round the clock monitoring lalo na sa Northern Cebu habang papalapit na ang bagyo sa Pilipinas.

Ayon kay PDRRMO Chief Neil Sanchez, makikipag-usap ito kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia upang i-convene ang tinatawag na “Pedra” o pre-disaster risk assessment, kahit walang direktang epekto ang bagyo sa lalawigan.

Nais ni Sanchez na tutukan ang disaster preparedness sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments