LGU SAN NICOLAS, BUMILI NG KARAGDAGANG KAGAMITAN PARA SA KANILANG DISASTER RESPONSE

Pinapalakas ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang kanilang kakayahan sa disaster response sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga bagong kagamitan upang mas mapabilis ang pagresponde sa mga sakuna at kalamidad.
Kamakailan, naglaan ang LGU ng dalawang bagong sasakyan para sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Team ng bayan.
Ayon sa mga opisyal, ang mga sasakyang ito ay inaasahang magpapahusay sa kakayahan ng ahensya na agarang makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan at magsagawa ng epektibong rescue operations.

Pinondohan ang mga bagong sasakyan mula sa DRRM Trust Fund at Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDDRM) Fund-Capital Outlay ng lokal na pamahalaan.
Patuloy rin nilang hinihikayat ang mga residente na makipagtulungan at maging bahagi ng mga disaster preparedness initiatives. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments