
Hinimok Department of Education (DepEd) ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng regular na assessment kung sila ay magpapatupad sila ng suspensyon sa face-to-face classes.
Ito ay para matingnan kung kailangan pa bang palawigin ang suspensyon ng klase para sa kaligtasan ng mga estudyante at guro.
Posible rin anila kasing maka-apekto sa pag-aaral at development ng mga estudyante ang mahabang suspensyon ng klase.
Ayon sa DepEd, mahalaga na magkaroon ng pagbabalanse bagamat inirerespeto ng Education Department ang otoridad ng LGUs sa pagsuspinde ng klase para sa public safety.
Makikpag-ugnayan din ang DepEd sa Schools Division Offices para matiyak na maayos na naipapatupad ang alternative delivery modes sa mga apektadong learners.
Facebook Comments









