LGUs na may 24/7 Vaccination Drive, pinuri ni Senator Lacson

44

Pinuri ni presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson ang Local Government Units (LGUs) na may 24/7 vaccination drive.

Sa kaniyang Twitter account, ibinahagi ni Lacson ang ginawa ng Awuyon Community Municipal Hospital sa Baganga, Davao Oriental, na nagsasagawa ng 24-hour na pagbabakuna para sa tatlong araw na National Vaccination Drive na nagsimula kahapon at hanggang bukas.

Diin ni Lacson, ang ganitong inisyatibo ng LGUs na mabigyan ng bakuna ang kanilang mga residente ay malaking tulong para maipanalo natin ang laban sa COVID-19.


Ayon kay Lacson, isang magandang halimbawa ang ipinakita ng Munisipalidad ng Baganga sa Davao Oriental.

Dagdag pa ni Lacson, ang mga LGU ang unit ng gobyerno na nakakaalam sa mga pangangailangan at prayoridad ng kanilang nasasakupan.

Facebook Comments