LGUs na nagtatago sa tunay na sitwasyon ng pandemic sa kanilang nasasakupan para magpabango sa nalalapit na eleksyon, inupakan ni Contact Tracing Czar Benjamin Magalong

231

Inupakan ni Baguio City Mayor at Contact Tracing Czar Benjamin Magalong ang Local Government Units (LGUs) na nagtatago ng tunay na kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan .

Sa virtual press conference ng Department of Health (DOH), sinabi ni Magalong na dahil malapit na ang eleksyon, maraming LGUs ang pinalalabas na mababa ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.


Ito ay para palutangin aniya na maayos nilang nama-manage ang sitwasyon sa kanilang areas.

Ayon kay Magalong, bukod sa binobola lamang ng LGUs ang kanilang mga sarili, niloloko aniya ng mga ito ang publiko.

Bunga nito, hinamon ni Magalong ang Inter-Agency Task Force (IATF) na obligahin ang mga lokal na pamahalaan na ilabas ang tunay na sitwasyon sa kani-kanilang nasasakupan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng consistent na contact tracing at consistent na swab testing.




Facebook Comments