LIBEL CASE | Kopya ng arrest warrant laban kay Trillanes, natanggap na ng NCRPO

Manila, Philippines – Natanggap na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kopya ng arrest warrant laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay kaugnay sa kasong apat na libel na isinampa ni Presidential son Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio.

Ayon kay NCRPO Director, Guillermo Eleazar – nakipag-ugnayan na ang kanilang hanay sa senate sergeant at arms.


Wala aniya sa Senado si Trillanes noong Biyernes at wala rin sa kanyang bahay.

Pinagpipiyansa ng korte si Trillanes ng tig-P24,000 sa bawat kaso kapalit ng kaniyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments