LIBEL | Davao RTC branch 54, nagpalabas ng arrest warrant laban kay Trillanes

37

Nagpalabas ng arrest warrant ang Davao RTC Br 54 laban kay Sen. Antonio Trillanes sa kasong libelo na isinampa ni Paolo Duterte.

24-thousand pesos na piyansa ang inirekomenda ni Judge Melinda Dayanghirang para sa pansamantalang kalayaan ni Trillanes

Hindi naman nagpalabas ng hdo ang Davao Court na una nang inihirit ng DOJ.

Samantala , Binasura ng Makati RTC branch 150 ang apela ng DOJ na bawiin ang unang pagpayag ng korte na makabiyahe abroad si trillanes dahil sa pagiging flight risk nito.

Nakapaghain na rin si Trillanes ng 200-thousand na travel bond sa Makati RTC Branch 150 para sa kasong rebelyon.

Facebook Comments