
Nagsanay ng libo-libong researchers sa mga unibersidad ang Department of Science and Technology (DOST) para sa paggamit ng artificial intelligence o AI.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOST Sec. Renato Solidum Jr. na sa kasalukuyan ay maraming proyekto sa AI ang gobyerno, sa iba’t ibang larangan.
Ilan sa mga ito ay nasa kalusugan para sa mabilis na pagtukoy ng sakit, sa pagtuturo, at sa agrikultura partikular sa post-harvest, halimbawa ay sa pagpili sa magandang klase ng mangga at durian para sa export.
Kasama rin ang robotics para sa industriya, traffic management, at disaster risk reduction sa pamamagitan ng hazard hunter na nagbibigay ng automated na plano sa hazard at risk areas.
Malaki rin ang papel ng AI sa weather forecasting, para sa mas mabilis na pag-predict sa lagay ng panahon.